Ilang mukha ng pag-ibig sa telebisyon…
Habang ako’y naghihintay sa aking bunso’y na magising sa kanyang siesta, ako’y naudyok na namang manuod ng TFC… at muli ay pinakikita dito ang iba’t ibang anggulo ng pag-ibig. Ginamit ko ang salitang anggulo dahil kung susuriin naman talaga’y ang gulo ng pag-ibig e.
Una, Sarah the Teen Princess. Sa aking opinyon ay higit na bagay sina Sarah at Cedric. Natutuwa ako dahil ang malditang pinsan ni Sarah na di ko matandaan ang pangalan ay wala ng bf… buti nga sa kanya. Hehehe. Masaya na sana sya sa piling ni Cedric na tunay naman syang mahal pero dahil sa kakontrabidahan nya ay hayun… naghanap pa ng iba… ayan tuloy, sya lalo ang nawalan. Hehehe. Eto namang best friend ni Sarah na may crush sa bf nyang si Baste ay nagtapat na ng kinikimkim na pagtingin. Nakakatuwa. Hehehe. Pero sa totoo lang hindi ko pa ito naramdaman… ever! Na magkagusto sa bf ng best friend ko… Hahaha! Hello best… Miss you na Dada!
Sumunod naman ang Mangarap Ka ni Papa Piolo. Walang kokontra!!! Pangit ang kokontra. Ilang beses din tayong pinaikut-ikot ng seryeng ito. Ok na sana sina Cutie at Oslec para sa isa’t isa, ngunit tila parang sobrang bata pa ni Cutie. Hehehe. Double standard na naman ba ako? Di ba sabi nga there’s no age in love… love ages. Hehehe. Wala lang… Dapat ako for Papa Piolo e. Hahaha! Love you popski Jef!!! Hehehe. For sure tatawanan ako ng asawa ko nito. Hehehe. Si Cutie na may kinabukasan ay nagmamahal sa isang taong itinatapon lang ang buhay sa paghihiganti. Sabi ni Oslec kay Cutie na wag na lang sya ang mahalin nito, ito naman ang kanyang sagot, “Hindi ikaw ang dapat magdikta sa akin nyan, kundi ang puso ko.” Korek! Hindi natin matuturuan ang puso. Kung sino ang sinisigaw nito na dapat nating mahalin ay syang lalabas kahit pa gaano natin ito itago.
Sa It Might Be You naman, ay lubha akong humahanga sa pag-ibig ni Romer kay Cielo. Grabe! Nakakakilig… Ito’y isang pantasya ng bawat babae. Ikaw ba naman ang araw-araw na bigyan ng supresa para lang maipakita na tunay kang mahal… ewan ko na lang. Sabagay, siguro dahil na rin sa ako’y isang hopeless romantic. Hehehe. Di ba baby? Hehehe. Pero syempre hindi naman kaagad maibigay ni Cielo ang kanyang matamis na oo sa binata dahil sa kanyang nakaraan kay Lawrence. Pero saying din, dahil hindi na magtatagal ang buhay ni Romer, he’s dying of leukemia. At ang tanging nagbibigay lakas sa kanya upang mabuhay ang pagmamahal nya sa dalaga. Isn’t it so great that he wanted to live so he can make her happy…?
Sana’y Wala ng Wakas nina Ara, Leo, Christian, at Mary Ann; patuloy na ngang nanganganib ang pagpapakasal nina Ara at Leo. Si Ara na nagugulumihanan sa kanyang nararamdaman kung sino nga ba ang kanyang higit na mahal, ang kanya bang unang pag-ibig o ang lalaking kanyang nakatakdang pakasalan? Tama ang mga binitawang salita ng mga matatandang nakausap nina Ara at Christian sa ferry. Kung hindi mo na mahal ang isang tao, wala ka ng mararamdaman pa, kahit ano para sa kanya, kahit pa galit; dahil ang taong lubos mong minahal ang siya lamang makakapagbigay syo ng pagkakataon na magalit. Tama nga, madalas na ang taong ating pinakamamahal ay siya pang tao na nagbibigay sa atin ng malalim na sugat. Ngunit hindi yun natatapos dun… kahit gaano ang sakit na naidulot sa atin ng taong yun ay patuloy pa rin na ito ang ititibok ng ating puso kung sya nga ang nakatadhana sa atin. Parehong mahal ni Ara sina Christian at Leo, ngunit sino ang higit na matimbang? Abangan… malapit na ring magwakas ang soap na ito.
Basta’t Kasama Kita na pinagbibidahan naman nina Judai at Binoi, nakakaaliw ang palabas na ito dahil iba‘t iba ang pinakikita nila sa bawat lingo, iba-ibang isyu. Minsan din naman ay nakakainis dahil parang ang labo ng karakter ng mga mainstay. Isang uri naman ng sitwasyong pag-ibig ang makikita mo sa pagitan nina Attorney Gonzales at John Paul. Kung makikita ay tila perpektong kasalan na sana magaganap… pareho silang matagumpay sa bawat sariling propesyon. Pero sa ngayon ay nagkasala si John Paul dahil sa isang pagkakataong hindi naman nya sinasadya. Yan na nga ba sinasabi ko e… hindi talaga dapat maglasing ang sino mang di kaya ang ispiritu ng alak. Hahaha! Si Katindig (Binoi) naman ay masaya na sa nangyari sa kanyang buhay sa piling ng kanyang gf at matagal nang hinahanap na Ina.
Ang panta-seryeng Marina nama’y nasa siyudad na. Wala akong masasabi dito… natutuwa lang ako kay Dugong! Hehehe. Justin wants to copy her kasi.
I once said to my ever dearest hubby, “I wish I was your first love…” but now, my outlook changed… I told him earlier, “I don’t want to be your first I just want to be your last.” I wanna grow old with you baby… I want you to hold my wrinkled hand as we go take our walk in our life together. I love you so much!!!! Muah!!!!

10 Comments:
At June 24, 2004 6:13 PM,
GracieCutie said…
Hi She! Aliw ako dito sa post mo. I have't watched TV in a long time and I'm not a very avid fan of telenovelas pero aliw talaga ko.
Yung pinapanood ko lang pala occasionally is yung Sana'y Wala ng Wakas kasi andun si Diet. But anyways, it seems you've got a lot of time on your hands to watch TV. Inggit ako.
At June 24, 2004 9:51 PM,
cutiemomma said…
well, hindi naman sa ganun ara... este, gracie pala... hehehe. if i can sneak out of justin i watch tv... kasi whenever he's awake kanyang-kanya oras ko... ops! not unless kulitin ako ng daddy nya... hehehe. ala lang...
At June 27, 2004 10:47 PM,
Apol said…
hindi ko na masyadong napapanood yung sana'y wala ng wakas. nakakainis na ang storya eh. :(
At August 5, 2004 4:26 AM,
Toni said…
Uy salamat sa summary! Naguguluhan na nga ako sa dami ng mga soap operas eh. Thanks for straightening them out for me.
By the way, I linked you to my blog. Hope it's okay!
At August 5, 2004 8:48 AM,
Anonymous said…
1st time to comment here :) wow dami alam sa showbiz..
miss ko na tv program sa pinas!
- jaycee
http://forever.cutegirl.jp
At August 5, 2004 10:41 AM,
cutiemomma said…
Hi Toni! But of course, it's fine with me to be included in your link. Thanks dear!
At August 5, 2004 10:43 AM,
cutiemomma said…
Howdy Jaycee! Are you in the states too? Pakabit ka ng TFC. Hehehe. Dapat bayaran ako ng TFC for endorsing them here e. =)
At August 18, 2007 1:07 PM,
<a href="http://www.xanga.com/buy_levitra">Buy Levitra</a> said…
Great article! Thanks.
At August 18, 2007 6:39 PM,
<a href="http://phentermine1.eamped.com">Phentermine</a> said…
Thanks for interesting article.
At September 10, 2007 10:14 AM,
<a href="http://courses.cvcc.vccs.edu/ENG112_GROSS/_Chat_Room/000008fd.htm">Anonimous</a> said…
Excellent website. Good work. Very useful. I will bookmark!
Post a Comment
<< Home